Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Amy Boucher Pye

Magsakripisyo at Maglingkod

Maganda ang trabaho ng aking tiya kung saan nagagawa niyang magparoo’t parito sa Chicago at New York. Pero isang araw, iniwan niya ang trabaho niyang iyon para maalagaan ang kanyang mga magulang na nasa Minnesota. Siya na lang ang inaasahan nila dahil namatay nang maaga ang dalawa niyang kapatid. Para sa tiya ko, naisasapamuhay niya ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng…

Anak na ng Dios

Habang idinadaos ang aming church service at sinasambit ang Lord’s Prayer, magkakahawak kami ng kamay ng mga magulang ko. Dahil dito, naisip ko na kahit matanda na ako ay matatawag pa rin akong anak nina Leo at Phyllis. Naisip ko rin sa pagkakataong iyon ang katotohanang anak din ako ng Dios at hindi na iyon magbabago.

Ito rin ang nais iparating ni…

Ang Mensahero

“May mensahe para sa’yo.” Ito ang sinabi sa akin ng babae sa isang pagtitipon habang inaabot ang isang piraso ng papel. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o magiging masaya. Nakahinga lang ako nang maluwag pagkatapos ko itong mabasa, “May pamangkin ka na!”

Maaaring makatanggap tayo ng maganda o masamang mensahe. Sa Lumang Tipan, ipinapaabot ng Dios ang Kanyang mensahe…

Regalo

Nagpapadala ng sulat ang aking kaibigan sa kanyang asawa tuwing Pasko. Ikinukuwento niya sa sulat ang tungkol sa mga nangyari sa buong taon at ang mga gusto nilang mangyari sa hinaharap. Laging sinasabi ng kaibigan ko sa kanyang sulat kung bakit mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Sinusulatan din niya ang kanyang mga anak. Maituturing na isang napakagandang pamaskong regalo…

Panalangin Para sa Iba

Nakatulong sa akin ng malaki ang tatlong sulat na natanggap ko mula sa aking mga kaibigan. Hindi nila alam na balisa ako noon dahil sa proyektong kailangan kong tapusin. Pinalakas nila ang aking loob kahit lingid sa kaalaman nila na may problema ako. Sinasabi nila sa sulat na naalala nila ako habang sila’y nananalangin. Ginamit sila ng Dios upang ipanalangin ako…

Asong-gubat

Habang kausap ko sa telepono ang aking kaibigan, naaaliw ako sa naririnig kong tunog na mula sa mga seagull na isang uri ng ibon. Hindi naman natutuwa ang kaibigan ko sa mga seagull dahil nakakaperwisyo lang daw ang mga ito sa kanila. Ang mga asong gubat naman ang perwisyo sa aming lugar sa London.

Binangggit sa Biblia ang mga asong-gubat. Makikita…